Kanina kase sa school, umatake nanaman yung mga photographer noong prom at titingin lang sana ako ng pictures ng mga kaklase ko tapos boom! May picture ako. Hindi ko na sana bibilhin eh, maasar kase sila Shannen. Pinakita pa niya. Haha. At dahil wala talaga akong matinong picture sa prom noon, binili ko na din. Remembrance met. Roflmao, dadalawa na nga lang ang disente kong litrato. Yung isa naka-maskara ako, yung isa naman nakapikit. Wow. Laking tulong ‘dre. Kinuha ko na pero di ko binayaran kase wala akong pera. Hahahaha. Pero binayaran ko na kanina.
Pagkauwi ko ng tanghali…
Ako: Ma, picture oh. 70 yan, di ko pa binayaran. Penge pera.
Ina: Ay nako tinakpan mo naman yung mukha mo dito!
Ako: Tinanggal ko rin naman yung maskara ko eh, yan ang nakunan nila.
Ina: Wooo. *flips to next picture* Nililigawan ka ata nito ah?
Ako: Hindi.
Ina: Iya la may limmad diya? (Ito na yung pumunta dito?)
Ako: Wen (Opo)
Ina: Gustong-gusto ko talaga mukha nito. Manugang ko na ‘to.
Ako: Ay, mama. (If you only knew~)
So ayun, end of the story. Sa dinami-dami naman kase ng pwedeng makuhanan ng litrato, yun pa. Ay sauce. What a koinsidins.